Archive for June, 2006
ano pang mukha ang ihaharap sa’yo
by Jensen Manebog, kuwaderno I, 1999
sabado noon nang ikaw ay yayain ko
naka-trip yata ako, ba’t ang lakas ng loob ko
so ikaw dyan pinaunlakan mo naman ako
sa madaling salita, ‘nung gabing ‘yun nag date tayo
ang sabi mo sa akin, compatible pala tayo
sa pagkain at film, pareho tayo ng gusto
kaya nga nasabi mong baka nga yata ako
ang hinahanap-hanap mong lalaki sa buhay mo
nang yayain kita na umuwi na tayo
sabi mo maaga pa, kill joy naman ako
so ikaw
pagkain
by wilfredo claveria jr., kuwaderno 2001-2002
o anak pagkain,
pagkain anak o,
anak o, pagkain.
pagkain o!
anak pagkain o,
o, o anak pagkain!
anak o pagkain
anak pagkain
anak . . .
anak?
ANAK?
read onidealistic raw ako
by erwilyn lei solito, kuwaderno 5, 2004
maghirap man ako sa kakatayo
magkakalyo man ang mga paa ko
mangitim man ako mula sa sikat ng araw
mabingi man mula sa mga bulyaw
magtitiis ako…
umuwi man akong basag ang ulo
huwag kumain ng isang linggo
matulog man ako sa bilangguan
o tumira sa lansangan kung kinakailangan
magtitiis ako…
pagpatawanan man ng karamihan
at mabansagang kaaway ng bayan
mamalat mula sa kasisigaw
manghina sa sinag ng araw
magtitiis ako…
kung buhay man ang kapalit
o sa bilangguan ay mapiit
lahat ito’y titiisin ko
sa
About the archives
Welcome to the archives here at rhodyl.com. Have a look around.