enrolment

Enrolment nanaman sa SLU, ako kasi ang may hawak lahat ng enrolment encoders, kakastress kasi mula sa hiring, training, assigning hangang terminating hehe.
Mahirap din ang trabaho ng mga encoders namin, hindi lang sila nageencode ng mga schedules ng mga enrollees, minsan all around din sila, taga install, taga trouble shoot, at taga ayos ng mga enrolment rooms. Naalala ko noong college pa ako, encoder din ako noon, meron isang ineenroll sa engineering (doon kasi ako nadistino noon) bale late na sya nag enroll, graduating student pa sya, babae, hinanap ko sya ng schedule na kailangan nya para grumaduate. Hinanap ko naman, kahit marami na nakapila skin, ok lang kasi may itsura naman ang babae heheh. Ang problema, halos lahat ng sched ehh CLOSE na, kumbaga puno na ang klase. Hmmm paano yan edi nag isip ako ng ibang solusyon, tinanong ko kung gusto nya ng ibang sched.. ok sige, klik dyan klik rito, naku wala na talaga puno na ang iba pang klase, pagkasabi ko na ala ng ibang klase.. bigla tumulo ang luha nya sa kanyang mga mata.. naku naku .. sa isip isip ko… “kuya ano gagawin ko?, last subject ko na yan” sabay tulo tears … sa loob loob ko! ano gagawin ko? bibigyan ko ba sya ng special classcard, baka patalsikin ako pag ginawa ko to! bibigyan ko ba ng panyo baka sabihin ng mga co-encoders ko pinapaiyak ko sya hehe :) hmmm.. sabay isip, naawa naman ako sa kanya habang umiiyak sya sa harap ko, inisip ko tuloy baka 6 years na sya sa course nya at naiinis na ang mga parents nya sa kakabayad ng tuition na every year tumataas at hindi pa nagragraduate, sa isipisip ko. Ano gagawin ko?? Tumawag ako kay bosing at tinanong kung ano gagawin para naman makagraduate ang kawawang iyakin. Ang sabi ng boss, kausapin nya ang Dean ng college baka pwede syang payagan mag special classcard, tapos dumiretso nalang sa MIS office para don magenroll. edi eto ang sinabi ko sa iyaking enrollee. Biglang nagpunas ng luha sbay ngiti skin at nagthank you.. ang sabi ko naman “your welcome! gud luck nalang syo” sbay ngiti ulit sa akin.. sa isip isip ko.. hay sarap ng magencode pag ganon ang ineenrol mo.. sarap tumulong ng nangangaliangan.. hehehe.. pag katapos ng babae. dami na palang nakapila sa’kin na nakasimangot.. hehehe.. galit siguro sila dahil matagal nadelay ang pila. heheh.. those were the days… :)


About this entry